Bebe Gandanghari on reactions to her transformation: ‘I just wish people can be happy for me too’


By MORLY ALINIO, ABS-CBN.com | 02/05/2009 2:42 PM

"I wish may boyfriend nga akong naiwan sa abroad," mahinhing tawa ni Bebe Gandanghari nang makausap siya ng ABS-CBN.com kamakailan sa Makati. Ayon kay Bebe wala raw siyang boyfriend sa ngayon dahil ngayon palang nagsisimula ang kanyang karera sa bagong katauhan.

"Honestly I was dating. May mga guys na nagdi-date sa akin sa New York, saw and met people pero hanggang dun pa lang wala pang someone na nagpapatibok ng aking puso kasi sa ngayon mas gusto kong maging busy sa work."

Ayaw nang pag-usapan pa ni Bebe ang mga isyung kinasangkutan ni Rustom noon, dahil patay na nga ang katauhan niyang ito para sa aktor.

"Yes Rustom is dead that is reality, Wala na si Rustom. Ayoko nang banggitin ang pangalan niya. Tama na. No other explanation, no other words can describe sa nangyari. I mean wala akong sinasaktan o tinatapakang ibang tao. Ganun lang.”

Reactions to Bebe

Sa totoo lang sa pagbabagong bihis at anyo ni Rustom ay iba-iba ang naging reaction ng mga tao. May natutuwa at naiinis sa aktor pero ang lahat ay nashock sa naging desisyon ng dating aktor na pilit nagpapakababae ngayon.

"Life is full of surprises and I’m just one of them. I mean we get surprises everyday at ito surpresa din itong nangyari sa akin. And tungkol dun sa tanong mo kung paano akong tinanggap ng aking pamily, sa totoo lang hindi pa kami nagkikita kita, Hindi ko pa nakakausap ang mga kapatid ko, Wala pa kaming communication since dumating ako from New York. At ganun naman talaga kami kahit noon pa. Honestly, I think it’s easy for them because I don’t mean no harm. Ibig kong sabihin wala akong sinasaktang ibang tao dahil ang gusto ko ay peace, love, ‘yun lang,” sabi pa ni Bebe.

Walang inargabyado at sinaktang ibang tao ang aktor at iyon ang isa sa mga nakikitang dahilan ni Bebe kung kaya’t hindi naging mahirap sa iba na siya ay tanggapin sa bago niyang estado.

“Yes exactly! Wala akong inaway at sinaktang tao kaya naman kung ano ako ngayon I just feel very happy now. So, I just wish people can be happy for me too."

Inamin pa rin ni BEBE na nagkausap na sila ng kanyang ina na si mommy Eva.

"Marami kaming napag-usapan ng mommy ko pero siguro hindi ko na kailangang I share sa inyo iyon dahil I think sa amin na lang ‘yun. Pero ang importante dito ay sinabi ko sa kanya ito. Sabi ko you're not losing your son but you’re gaining a daughter. So wala namang masama dun I guess."

At I love you daw ang naging ending ng kanilang pag uusap ng kanyang ina.

"No, nag-usap kami ni mommy through cell phone at so far hindi pa kami nagkikita ng personal kasi we are too busy. Alam ko kasi nasa Nueva Ecija siya then ako naman since nung dumating from New York ay hindi na rin ako nakapahinga, tuloy-tuloy ang raket ko.”

Bebe's brothers

Si Robin Padilla ay nagpahayag na ng kanyang pagtanggap kay Bebe pero taliwas sina Royette at Rommel Padilla na habang isinusulat namin ang artikulo na ito ay balita naming galit na galit sa ginawang pagpapakababae ni Rustom.

"Wala pa kaming chance na magkausap-usap o magkita-kitang magkakapatid for some reason ang dami dami ko kasing ginagawa in fact galing din akong Hong Kong last week. Actually, ganun naman talaga kami sa aming pamilya hindi naman kami laging nagkikita most of the time na nagkakasama sama lang kami kapag may okasyon. I really dont know kung totoong galit sa akin si Royette but if ever na ganun nga siguro darating din yung magkakausap kami.

"I don’t worry about the future. I don’t worry about tomorrow. I just worry about today. Kailangan gawin natin kung ano ang gusto nating gawin sa ating buhay. Kasi maikli lang ang buhay natin sa mundo at dapat desisyunan na natin kung ano ang gusto nating mangyari ngayon.So I just trying to focus on what’s happening, what’s going on kasi that’s already too much. So ‘yung mga bagay-bagay na nangyayari on other side you just let it be and then hope that one day everything is settled and everything will be accepted."

Being yourself

Ayon kay BEBE ang tunay na dahilan kung bakit pinaninindigan niya ang pinaniniwalaan niya ngayon na kanyang katauhan ay dahil sa pansariling kagustuhan.

"Its all about being happy and being your self, This is Bebe, what is you see is what is you get. And I’m glad because people accept me. ‘Yun lang iyon."

Wala raw pinagsisihan si Bebe kung bakit ngayon lang niya pinanindigan ang isang bagay na matagal na niyang gustong gawin dahil panapanahon daw ang lahat ng mga nangyayari sa mundong ibabaw.

"Everything has its season. Everything has a perfect time that’s what I’ve learned in life. ‘Yun ang dahilan bakit nangyayari lahat ito ngayon. Marami na akong napagdaanan at bago ang nangyari ito ay pinag isipan kong mabuti kung saan ba talaga ako masaya, at dito ako masaya siguro naman hindi mahirap intindihin na gusto kong maging maligaya and I don’t worry kung ano ang mangyayari bukas ang mahalaga ay kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Thats it.”

Busy nga bang talaga si Bebe o natatakot lamang siya sa posibleng maging reaction ng sariling pamilya?

"Wala akong nararamdamang takot, bakit naman? I mean parang sa Diyos lang kasi ako natatakot. Eh, so kahit anong ginagawa ko ay maayos kong naihaharap sa Diyos ala akong dapat ikatakot sa ibang tao.”

Sa tingin ba niya hindi kasalanan sa Diyos ang ginawa niyang ‘pagpatay’ kay Rustom?

"Siguro hindi maituturing na malaking kasalanan si BEBE dahil nagpapakatotoo lang naman ako sa aking sarili. Ito ako at handa kong tanggapin kong anuman ang malgiging reaction sa akin ng iba tao. Dun sa sinasabing kasalanan I think hindi, Kasi sa pagkakaalam ko wala naman akong sinasaktang ibang tao para magalit sa akin ang Diyos.”

On Carmina Villaroel

Panay ang sabi ni Bebe na wala siyang tinatapakang ibang tao. Paano si Carmina Villaroel na naging asawa noon ni Rustom.

"Actually kung may problema man, hindi, labas doon si Bebe, si Rustom iyon and I think kung may nagawa mang kasalanan si Rustom before ay matagal na niya iyong pinagsisihan.”

At sa isang interbyu matapos mapanood ni Carmina si Rustom bilang si Bebe ay sinabi ng aktres na masaya siya para sa dating asawa.

"At isa iyan bakit all praise ako sa kanya, Mabuting tao si Carmina. Thank you very much. I love her. I respect her very much. Hindi ko napanood yung naging reaction niya on TV but I only respect her. She is very pleasant and a decent woman. I wish her happiness. That’s what she deserves," pagwawakas ni Bebe.

as of 02/05/2009 2:42 PM



Entertainment Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo