May mga kapartido daw si Pangulong Gloria Arroyo na hindi kandidato ng administrasyon ang susuportahan! Nagsasama-sama daw ang mga sumporta kay dating Pangulong Cory Aquino para itaguyod ang pagkandidato ni Senador Noynoy Aquino bilang pangulo. At, si Noynoy daw ang dadalhin nila at hindi ang kapartidong si Secretary Gilbert Teodoro.
Pero, may nagsasabing maganda lamang ito sa unang tingin pero makasasama talaga sa pambato ng Liberal Party na makitang sinusuportahan ng mga kadikit ng pangulo. Bandila, Lunes, Nobyembre 9, 2009
11/10/2009 1:56 AM
Hinainan ng bagong warrant of arrest ng NBI si Legacy Group president Celso delos Angeles na naka-confine sa St. Luke's Medical Center. Live, at exclusive, mula sa St. Luke's Medical Center sa Quezon City, magbabandila, Cecille Lardizabal. Bandila, Lunes, Nobyembre 9, 2009
11/10/2009 1:53 AM
Iniimbestigahan ng Department of Health kung overpriced ang mga makinang pangsuri sa A (H1N1) na binili ng Research Institute for Tropical Medicine. Magbabandila si Joey Villarama. Bandila, Lunes, Nobyembre 9, 2009
11/10/2009 1:51 AM
Nangangamba ang Philippine National Police na lalo pang tumaas ang krimen habang papalapit ang Pasko. kaya ang mga pulis at gwardiya, lalo na yung mga nasa mall, nagre-training.
11/07/2009 1:56 AM
Inutusan ni Pangulong Arroyo ang Department of Foreign Affairs na tiyakin ang kaligtasan ng 14 na tripulanteng Pinoy na hostage sa karagatang sakop ng Tanzania. Pinaaasikaso rin ng Palasyo sa OWWA ang pamilya ng mga biktima. Nobyembre 5 nang ma-hijack ng mga pirata ang Greek cargo ship na MV Delvina sakay ang mga Pinoy seamen.
11/07/2009 1:55 AM
Sa Pebrero pa magsisimula ang kampanya. Pero nagkalat na ang mga poster at streamer ng mga pulitiko. May ilang Boto Patrollers namang nangangampanya na huwag iboto ang maagang nanliligaw ng boto. Bandila, Huwebes, Nobyembre 5, 2009
11/06/2009 3:15 AM
Computer ang sinisisi kung bakit maraming taga-Taguig ang lumilitaw na mahigit 100 taon na ang edad sa record ng Comelec kahit mga bata pa sila. Tinitiyak naman ng Comelec na lilinisin nila ang voters' list. Magba-Bandila si Atom Araullo. Bandila, Huwebes, Nobyembre 5, 2009
11/06/2009 3:15 AM
General Santos City ang itinuturing na tuna capital of the world! Kaya, hasang-hasa ang mga mangingisda sa GenSan, pati sa pagbubuhat ng mga giant tuna! Magba-Bandila si Dyan Castillejo. Bandila, Huwebes, Nobyembre 5, 2009
11/06/2009 3:14 AM