Syndicate content

Tv Patrol World

Jinkee no-show in Manny's victory party

Hindi sumipot si Jinkee Pacquiao sa after-fight party ng asawang si Manny Pacquiao. Ito’y sa gitna ng pinagpipistahang isyu ng pagkakaugnay ni Manny kay Krista Ranillo! Naglabas na rin ng saloobin ang ilang malapit na kaibigan sa maiintrigang lovelife ni Pacman. Mula Las Vegas nagpa-Patrol Yong Chavez. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:20 AM


KC-Sharon 'dream movie' on the horizon?

Huling taping day na ng "Lovers In Paris" nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Pero may sisimulan namang pelikula si KC, kung saan ang leading man ay nakatambal na rin noon ng inang si Sharon Cuneta. Nagpa-Patrol Ginger Conejero. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:19 AM


Precinct clustering seen to confuse voters

Posible raw magkagulo sa mismong araw ng botohan kung hindi uunahin ng Comelec ang training at information campaign tungkol sa automation! At clustering o pagsasama-sama ng voting precincts, pinangangambahang makalito at makabagal pa sa botohan! Nagpa-Patrol Ina Reformina. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:17 AM


Rhap Salazar wows Ellen Degeneres

Bumirit nang todo ang Kapamilya star na si Rhap Salazar sa kanyang guesting sa sikat na "Ellen Degeneres Show" sa Amerika! Standing ovation ang crowd, habang napa-wow ang host sa husay ng Pinoy! ‘yan sa pagpa-Patrol ni Gretchen Fullido. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:17 AM


Meralco Christmas exhibit lights up Ortigas

Nagliwanag ang Meralco compound sa Ortigas sa pag-iilaw ng libo-libong Christmas lights. Pwuede ring pasyalan nang libre ang lugar kasama ang buong pamilya. Mula sa Ortigas, Pasig nagpa-Patrol Jenny Reyes. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:16 AM


House probes Aquinos, Cojuangcos on SCTEx

Kung si Senador Manny Villar naimbestigahan sa Senado dahil sa C-5 road extension controversy, nahaharap din ngayon sa imbestigasyon sa Kamara ang kanyang katunggali sa pagka-pangulo na si Senador Benigno Aquino III. Sentro ng congressional inquiry ang umano'y sobra-sobrang kinita ng pamilya Cojuangco at Aquino sa SCTEx project. Nagpa-Patrol, RG Cruz. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:15 AM


Demolition in Baclaran turns bloody

Naging madugo ang engkwentro sa pagitan ng mga residente at mga pulis nang i-demolish ang mahigit 100 bahay sa paligid ng isang mosque sa Baclaran kaninang umaga.

Sa eksklusibong video na nakuha ng ABS-CBN, kitang-kita ang nangyaring batuhan at barilan, ganun din kung paano natamaan ng bala ang isa sa mga residente. Nang humupa ang gulo, 3 ang namatay at halos 20 ang sugatan. Nagpa-Patrol, Dominic Almelor. TV Patrol World, Miyerkules, Nobyembre 18, 2009

11/19/2009 1:14 AM


Senators fooled into signing pro-Villar resolution?

Lumabas na sa Senado ang resolusyong pirmado ng 12 senador na humihiling na ibasura na ang reklamo laban kay Senador Manny Villar sa isyu ng umano'y anomalya sa C-5 road extension. Pero sa halip na makatulong, mukhang makakasama pa ito kay Villar, dahil natuklasang nalinlang umano sa pagpirma ang ilang senador. Nagpa-Patrol, Jorge Cariño. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009

11/18/2009 5:13 AM


Video


More Videos


Section Page Ad Zedo


Tower 1


Tower 2