Hindi nakalusot sa camera ang matinding pag-iyak ng asawa ni Pacman na si Jinkee Pacquiao sa thanksgiving mass sa Las Vegas. Patunay nga ba ito na may lamat na ang relasyon ng dalawa? Sa unang pagkakataon, eksklusibong bumwelta si Pacman sa mga nag-uugnay sa kanya sa sexy star na si Krista Ranillo. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:38 AM
Ayaw paawat ni Rosanna Roces sa mga banat sa pamilya Revilla. Tutuluyan na raw nyang kakasuhan ang mga ito kapag hindi pa nya nakita ang apo sa lalong madaling panahon. Nagpa-Patrol Gretchen Fullido. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 4:29 AM
Nangako ang pamahalaan na tutulong kay Z Gorres, ang boksingerong inoperahan sa utak matapos mapuruhan sa kanyang laban. Pero may ibang atleta na nalagay din sa alanganin ang buhay pero walang nakuhang suporta. Nagpa-Patrol, TJ Manotoc. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 3:29 AM
Limang araw bago ang pageant, isinapubliko na ang multi-milyong pisong korona na ipuputong sa bagong Miss Earth! Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 3:27 AM
Zsa Zsa Padilla at Sharon Cuneta, lilipad pa-Beijing para sa Mano Po 6. Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 2:19 AM
Kinumpira na ng "Pound for Pound King" na si Manny Pacquiao na lalaban siyang muli. Pero hindi sa boxing ring, kundi sa pulitika. Tuloy na tuloy na ang plano niyang tumakbong kongresista. Mula Los Angeles, California, nagpa-Patrol, Dyan Castillejo. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 2:01 AM
Nagulat si Luis Manzano sa balitang tatakbong bise presidente ang amang si Edu Manzano, na kaiba sa partido pa ng inang si Vilma Santos. Nagpa-Patrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 1:36 AM
Ilang linggo ring binitin ni Sen. Loren Legarda ang publiko kung kanino siya makikipag-tandem sa halalan sa 2010. Ngayong opisyal na ang tambalan nila ni Sen. Manny Villar, may ilang kumukwestyon kung paano napasagot ni Villar si Legarda na dati niyang masugid na kritiko. TV Patrol World, Martes, Nobyembre 17, 2009
11/18/2009 1:30 AM