Lagpak pa rin sa pamantayan ng National Historical Institute ang bersyon ng Lupang Hinirang na inawit sa labang Pacquiao-Cotto! Ilalaban na raw ng NHI sa korte ang isyu, lalot ilang ulit nang binago ang tempo ng Pambansang Awit. Nagpapatrol Mario Dumaual. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/17/2009 1:51 AM
Kapamilya, dahil po sa inyong pagsuporta, kinilala pong muli sa 18th Golden Dove Awards ng KBP ang mga programa ng ABS-CBN na ginawaran din ng station of the year! Ibinibahagi rin po namin ang tagumpay ng TV Patrol World bilang Best Newscast for TV. Nagpa-Patrol, Marie Lozano. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/17/2009 1:50 AM
Kung tanggal na ang price freeze sa petrolyo, tuloy naman ang 60-day price control sa mga pangunahing bilihin. Pero sa palengke, nagtaas pa rin ng presyo sa mga karne ng baboy, baka, manok at iba pang bilihin. Nagpa-Patrol Sheryll Mundo. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/17/2009 1:47 AM
Taong 2004 nang maganap ang marahas na pagbuwag sa picket line ng mga welgista sa Hacienda Luisita. At sa pagsabak ni Sen. Benigno Aquino III sa karera sa pampanguluhan, muli na naman binubuhay ang isyu. Hiling ng mga magsasaka, ayusin muna ni Aquino ang problema sa naluluging Central Azucarera de Tarlac. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/16/2009 9:36 PM
Opisyal nang idineklara ng Liberal Party ang kanilang pambato sa pagka-presidente at bise-presidente sa halalan sa 2010. Sa ginanap na party convention kanina, inihayag rin ng partido ang 9 na pangalan sa kanilang senatorial lineup. May 3 buwan pa bago magsimula ang campaign period. Pero ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng partido kung paano haharapin ang mga isyu na ipinupukol sa kanilang standard bearer na si Sen. Benigno Aquino III. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/16/2009 9:36 PM
Hindi bababa sa 10 ang iniulat na nasawi sa Metro Manila at iba pang mga probinsya sa gitna ng mainitang sagupaan kahapon nina Pacquiao at Cotto! Lahat, inatake sa puso dahil umano sa magkahalong nerbyos at tuwa habang nanunood ng laban. Nagpa-Patrol, Atom Araullo. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/16/2009 9:35 PM
Napaiyak si Aling Dionisia Pacquiao sa misa ng pasasalamat na inialay ni Manny sa kanyang panalo. Hiling kasi ng ina sa anak: itigil na ang boxing. Nagpa-Patrol, Dyan Castillejo. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/16/2009 9:34 PM
Habang patuloy ang pagdiriwang ng team Pacquiao, iniisip na ni coach Freddie Roach ang susunod na laban ni Pacman. Ang gusto ni Roach na susunod na sagupain ni Manny: si Floyd Mayweather Junior! Nagpa-Patrol, Dyan Castillejo. TV Patrol World, Lunes, Nobyembre 16, 2009
11/16/2009 9:33 PM