Shoot-out sa Edsa, raratratin sa ‘Kalye’


abs-cbnNEWS.com | 02/22/2009 3:14 PM

Muling ginulat ang sambayanan ng isa na namang kontrobersyal na shoot-out noong nakaraang linggo sa Quezon City. Ngayong Lunes, Pebrero 23, aasintahin ni Sol Aragones ang 'di-umano'y overkill ng mga pulis sa "Kalye: Mga Kuwento ng Lansangan."
 
Tatlong hinihinalang carnapper ang tinumba ng mga otoridad sa kahabaan ng EDSA, ngunit ang higit na ikinagulantang ng bayan ay ang paulit-ulit pang pagbabaril ng isang pulis sa mga suspek na nakunan pa ng video ng ABS-CBN.
 
Sasaliksikin ni Sol kung tunay nga bang may paglabag sa tinatawag na "rules of engagement" ang mga pulis, o sadyang dinedepensahan lang nila ang kanilang mga sarili.
 
Sa EDSA din ang tuloy ni Atom Araullo upang sariwain ang makulay nitong kasaysayan. Ito ang dating "Highway 54" kung saan umusbong ang komersiyalismo. Dito rin binawi ang demokrasya sa pamamagitan ng EDSA People Power Revolution. Alamin ang ilan pang nakakagulat na kaalaman tungkol sa kalyeng ipinangalan kay Epifanio De Los Santos.
 
Samantala, aabot ng Bagac, Bataan ang pasyal ni Anthony Taberna. Dito kasi matatagpuan ang isang village ng lumang mga tahanan pinrotektahan ni Jerry Acuzar mula sa paglahp.
 
Sa Kamaynilaan pa lang ay ilang makasaysayang lugar na ang tinibag upang pagtayuan ng mall at mga gusali. Hahanapin ni Anthony ang iba pang lumang bahay sa kalye na wala mang kuwento sa iba ay ginto sa mga nagmamahal sa kasaysayan.
 
Huwag magpa-iwan, samahan si Anthony Taberna, Sol Aragones, at Atom Araullo sa "Kalye" ngayong Lunes ng gabi pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.

as of 02/22/2009 3:14 PM



Video


More Videos


Tower 1


Tower 2


Storypage Ad zedo