Panata ng Pananampalataya
abs-cbnnews.com | 04/07/2009 8:01 PM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Inaabangan ng marami ang mahal na araw dahil sa isa itong mahabang bakasyon.
Pero sa halip na simbahan o retreat houses ang mapuno mga resort ang mas dinadayo ng mga tao.
Pero sa tulad ni Bing Agustin, iba ang kahulugan ng mahal na araw sa kanya. Dito raw niya kasi nasumpungan ang Diyos at ang tunay na katahimikan sa kanyang puso mula sa maraming problemang kanyang dinadala. Kaya naman ang mga namamanatang gaya niya, maraming pwedeng pagpiliian kung saan maganda sumama sa pagninilay-nilay.
Pwede kang sumama sa station of the cross gaya ng ginagawa sa La Sallette sa Cavite o di kaya ay bumisita sa Monasterio de Tarlac na dinarayo ng mga deboto dahil sa nakabaul na piraso ng kahoy na galing pa raw sa mismong pinagpakuan ni Hesus at pinaniniwalaang nakpagpapagaling ng anumang sakit.
Maari rin namang sumama sa mga retreat o cursillo para daw mas makilala mo ang Diyos at ang iyong sarili.
Pero sa gitna ng problema at krisis sa mundo, paano pa nga ba ipinagdiriwang ng mga Pinoy ang mahal na araw?
Sa ulat ni Bernadette Sembrano.
The Correspondents, Martes ng gabi pagkatapos ng Bandila.












