Failon's wife still critical; Ted: Look, no scratches
04/16/2009 7:58 PM
Kritikal pa rin ang lagay ng asawa ni Ted Failon na si Trina Etong dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo kahapon. Hindi umaalis si Ted sa tabi ng kanyang misis sa Intensive Care Unit ng ospital. Bantay-sarado naman ang mga pulis sa ospital lalo't plano sanang bitbitin muli si Ted sa police headquarters ng QCPD. Live mula sa New Era Hospital sa Quezon City, nagpapatrol, Jorge Cariño.





